BRIEF HISTORY OF MALABRIGO NATIONAL HIGH SCHOOL

BRIEF HISTORY OF MALABRIGO NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangarap ng isang pamayanan ang magkaroon ng isang matatag na paaralan kayat noong Disyembre 1980 naitatag ang Malabrigo Barangay High School na ngayon ay kilala bilang Malabrigo National High School. Isa sa pitong (7) pampublikong paaralan sa Lobo, Batangas. Nakatunghay sa baybaying dagat ng Malabrigo ang paaralang ito at may layong 7.5 kilometro mula sa kabayanan ng Lobo.

Ang nasabing paaralan ay naitayo sa lupang donasyon nina G. at Gng. Fidel S. Manalo. Karagdagan dito, nakabili ng lote ang Malabrigo National High School sa halagang limampu’t tatlong libong piso kay Bb. Epigenia S. Mental. Batay na rin sa Sertipikasyon ng Pagmamay-ari, ang lupa ng paaralan ay may sukat na 8,650 kwadrado parisukat at naging 1.2 ektarya sa kabuuan. Naging katuwang din sa pagkakatatag ang mga magulang at kinatawan mula sa barangay noong panahong iyon.Gayun din ang mahalagang kontribusyon ni Bb. Lucia Campang sa pagkakatatag ng paaralan.

Ang paaralan ay biniyayaan ng mga mabubuting pinuno sa katauhan nina Gng. Flordeliza M Berania na nagsilbing pangalawang punung-guro noong 1980, sinundan ni G. Plaridel G. Panganiban punong-guro II mula 1981 – 2014, Gng. Mhelvoi H. Baja, katiwalang guro mula 2014 – 2019, Gng. Mariefe M. Rosales, punong-guro II 2019 – 2020, Gng. Mhelvoi H. Baja 2020 -2021 at si G. Eric S. Lubrino, punong-guro II mula 2021 hanggang sa kasalukuyan.Sa paglipas ng panahon, hindi matatawaran ang kanilang pamumuno sa paaralan kung kaya’t nakilala ang Malabrigo National High School sa larangan ng edukasyon at isports.

FLORDELIZA M. BERANIA
PLARIDEL G. PANGANIBAN
MHELVOI H. BAJA
MARIEFE M. ROSALES
ERIC S. LUBRINO


Sa kasalukuyan, apatnapu’t dalawang taon na nagkakaloob ng de- kalidad na edukasyon ang paaralan sa mga mag-aaral ng Malabrigo at mga karatig barangay nito.